Ang balbal ay ang pamantayang paggamit
ng mga salita sa isang wika ng isang particular na grupo ng lipunan.
Mapapansin natin na lumalaganap na ang salitang kalye sa wikang ating
kinagisnan. Samu’t saring salita ang hindi maintindihan sa ating lipunan
dahil sa mga nabuong salita sa inpormal na pamamaraan. Mapapakinig mo ang mga
salitang balbal na ito maging sa kainan, kwentuhan, lansangan at naging
kasama na sa pangaraw araw na pamumuhay. Ang antas ng lipunan na lalong
nanghihikayat sa mga kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan at
makabasag tenga naman sa hanay ng mayayaman. Mahalagang maikalap ang paksa
tungkol sa balbal na salita dahil sa mga ilang suliranin na kinakaharap ng
mga kasalukuyan at mga susunod pang kabataan sa ating henerasyon. Ang paksang
ito ay kailangan upang maagapan pa ang lalong pagkalat ng mga hindi
kaayon-ayon na salita sa publiko tulad ng mga ermat, erpat, mudra, pare, mare
at iba pa.
Ang drawing na pinapakita namin sa taas
ay isang ilustrasyon na nagpapahiwatig na ang wika nating mga Pilipno ay unti
unti ng nawawala. “Wikang Filipino din pag may time” ang pangunahing
suliranin na kinakaharap ng mga magaaral ay ang pagkasanay nitong gamitin ang
salitang kalye o mga balbal na salita na napupulot nila sa lipunang
kinalakihan. Dahil dito ang mga kabataan ay nagagamit ito sa pag-aaral at
nagdudulot ng di-wastong paggamit ng salita. Isang maling paggamit ng balbla
na salita ay kapag nagsusulat ang isang magaaral ng komposisyon,
nakakapagsulat sila ng salitang salungat sa lipunan. May mga taong hindi
nakakaintindi ng salitang ito na nagdudulot sa hindi pagkakaunawaan. At kung
minsan pa ay pinanghahalili sa wastong salita.
|