Saturday, 26 September 2015

Disenyo ng proyekto: ADBOKASIYA



BALBAL DITO, BALBAL DOON, PURO KABALBALAN SA WIKANG KINAGISNAN

       Ang balbal ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang particular na grupo ng lipunan. Mapapansin natin na lumalaganap na ang salitang kalye sa wikang ating kinagisnan. Samu’t saring salita ang hindi maintindihan sa ating lipunan dahil sa mga nabuong salita sa inpormal na pamamaraan. Mapapakinig mo ang mga salitang balbal na ito maging sa kainan, kwentuhan, lansangan at naging kasama na sa pangaraw araw na pamumuhay. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan at makabasag tenga naman sa hanay ng mayayaman. Mahalagang maikalap ang paksa tungkol sa balbal na salita dahil sa mga ilang suliranin na kinakaharap ng mga kasalukuyan at mga susunod pang kabataan sa ating henerasyon. Ang paksang ito ay kailangan upang maagapan pa ang lalong pagkalat ng mga hindi kaayon-ayon na salita sa publiko tulad ng mga ermat, erpat, mudra, pare, mare at iba pa.

    Ang drawing na pinapakita namin sa taas ay isang ilustrasyon na nagpapahiwatig na ang wika nating mga Pilipno ay unti unti ng nawawala. “Wikang Filipino din pag may time” ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga magaaral ay ang pagkasanay nitong gamitin ang salitang kalye o mga balbal na salita na napupulot nila sa lipunang kinalakihan. Dahil dito ang mga kabataan ay nagagamit ito sa pag-aaral at nagdudulot ng di-wastong paggamit ng salita. Isang maling paggamit ng balbla na salita ay kapag nagsusulat ang isang magaaral ng komposisyon, nakakapagsulat sila ng salitang salungat sa lipunan. May mga taong hindi nakakaintindi ng salitang ito na nagdudulot sa hindi pagkakaunawaan. At kung minsan pa ay pinanghahalili sa wastong salita.

No comments:

Post a Comment